Friday, November 13, 2009

Gibo at Edu

Finally, may ka-tandem na si Gibo! Walang iba kundi si Mr. Edu Manzano. Yes, si Edu na host ng Game Ka Na Ba? Si Edu na ex ni Vilma Santos. Si Edu na tatay ni Luis Manzano.

Matapos ang matagal na paghahanap at pamimili sa mga nasa Lakas-Kampi-CMD ay napagdesisyunan ng partido na i-anunsyo na si Edu Manzano nga ang Vice Presidential bet ng administrasyon. Matatandaan na ang unang napili ay si Sec. Ronaldo Puno ng DILG. Subalit kamakailan lang ay inanunsyo rin nito na hindi na niya itutuloy ang pagkandidato.

Si Edu Manzano ay kagalang-galang na personalidad. Naiiba siya sa karamihan ng nasa showbiz industry dahil makikitaan siya ng mahuhusay na kapasidad ng isang public servant. Ito ay isang hindi pangkarinawang katangian sa ating mga artista.

Goodluck na lang sa lahat ng mga tatakbo.

No comments:

Post a Comment