Thursday, February 18, 2010

Noynoy nagalit daw

Ito umanong si Noynoy Aquino ay nagalit sa ginawa ng moderator ng isang forum dahil ang moderator daw ay bias ang pag-iintroduce sa kanya at sa pagtatanong daw. Maganda ang introduction sa ibang kandidato, pero sa kanya ang pakilala ay apo ng isang national hero at anak ng national heroes, at ang kanyang gagawin ay antabayanan daw natin.

Kung ako si Noynoy, hindi ako ma-ooffend dahil totoo naman ang pagpapakilala sa kanya. Anak nga naman siya ni Noynoy at Cory, at talaga namang wala tayong mabalitaan na sarili niyang accomplishment sa Senado at sa Kongreso.

Nagreklamo pa itong si Noynoy ng palitan ang pagkakasunod-sunod ng mga sasagot sa katanungan ng moderator. Nang siya ang unahin ay sinabi niyang madaya daw. At talagang sumagot pa siya at sinabihan na bias daw ang moderator.

Eh kung ganito kapikon at kababaw mag-isip si Noynoy ay hindi pa nga siya handa sa mga responsibilidad na kakaharapin niya at sa mga batikos na maibabato sa magiging pangulo ng bansa.

1 comment:

  1. dapat hindi sya magalit kasi yun diba ang pagpapa-kilala nya palagi sa mga tao - anak ng mga bayaning Ninoy at Cory Aquino....'di ba, pag paulit-ulit mong sinasabi ang isang bagay, yun lang din ang matatandaan ng tao =)

    ReplyDelete