Friday, May 6, 2011

Manny Pacquiao, Noynoy Aquino at PSP

Manny Pacquiao at Sugar Shane Moseley may laban sa Las Vegas. Si Noynoy Aquino may laban sa PSP. Kamakailan lang ay itinanggi ni Noynoy na naglalaro siya ng PSP. Inaasahan na natin na sasabihin niya ito. Pero walang pagtanggi ang makakadaig sa katotohanan na nasasaksihan ng mga empleyado sa Palasyo at mga malapit sa Pangulo.

Hindi raw siya tamad, sabi ni PNoy. Pero senyales ba ng .niya ang walang ni isang programa para sa bansa lalo na sa mahihirap?

Ang sinundan niyang Pangulo ay napakaraming inanunsyong mga proyekto at programa. Si Benigno Aquino III, wala! Mag-iisang taon na si Noynoy Aquino sa pwesto pero wala pa rin siyang nagawa bukod sa mga hilaw na salita na labanan ang korupsyon.

Pinagiinitan niya nag mga Arroyo, sinusuportahan naman siya ng media. Paano na ang kawawang Pilipino?

1 comment:

  1. kawawa talage.. bakit ba pinagbutohan si notnot.. eeeeks

    ReplyDelete