Naglabasan na ang mga political ads ng mga iba't-ibang pulitiko. Nandiyan si Mar Roxas, Manny Villar, Loren Legarda, Jojo Binay at iba pa. Ang layo pa ng eleksiyon pero nangunguna na sila. Ang layo pa rin ng eleksiyon pero mistulang sumusuway na sila batas laban as pre-mature campaigning. Sa bagay hindi nga naman applicable ang batas na iyon sa pre-mature campaigning dahil hindi pa naman election period.
Isa-isahin natin sila. Yung mga madalas ko lamang nakikita sa telebisyon.
1. Mar Roxas
Itong si Mang Mar a.k.a. Mr. Palengke ay hindi na mawawala sa pang-araw araw nating panonood. Nakita niyo ba yung padyak commercial niya? Nakakaloka diba? Maniwala kang sumasakay ng padyak yan o kaya pumupunta sa palengke. Oo may-ari siya ng palengke pero hindi yun pumupunta dun. Ginagamit niya lang yung lugar paminsan minsan.
Malinaw naman na gusto lang ni Mar mapalapit sa mga masa o sa mahihirap. Hindi ba nagmura pa nga iyan noong nakaraang rally sa Makati?
2. Jojo Binay
"Ganito kami sa Makati." Yan ang tag-line niya sa commercial niya. Ang labong tao rin nito ni Binay eh ano? Hindi naman kaya kagaya ng Makati ang buong Pilipinas. Hindi masasabing kaya niyang paunlarin ang buong Pilipinas kagaya ng Makati. Erap boy tong si Jojo na ambisyosong kagaya daw siya ni Obama. Mahiya naman siya noh!
3. Manny Villar
Ah, si Mr. C5 at taga. Hahaha!!! Isa pa to, yung bahay daw nila sa Tondo nakatayo pa ngayon. Hahay. Squatters area kaya yun, kaya matagal nang na-demolish. Wala ako masabi. Andami niya pera ha. Tama na alam na natin lahat ng panloloko nito. Tsk tsk.
Oh yan na muna ang masasabi ko ngayon. Antok na ako. Grabe, araw-araw sa TV yang mga yan. Common denominator nila eh taga opposition sila.
No comments:
Post a Comment