Tuesday, November 17, 2009

Hacienda Luisita nanaman

Kahapon ang anebersaryo ng Hacienda Luisita Massacre. Ngayon naman ang pagpupulong ng mga Cojuangco sa Tarlac kung ano ang kanilang gagawin sa naturang isyu ng mga magsasaka sa lupain sa hacienda.

Nais ng mga magsasaka na mapasakanila ang parte ng lupa na kanilang sinasaka na siyang naaayon sa Comprehensive Agrarian Reform Program na mismong si Corazon Aquino ang nagpatupad. Subalit pilit nila Noynoy i-apela sa Korte Suprema ang desisyon ng Department of Agrarian Reform na nagpapawalang bisa sa Stock Distribution Option ng management ng hacienda.

Ayun sa nasabing Stock Distribution Option na iyon, ang Hacienda Luisita ay hindi kabilang sa mga lupain na isasa-ilalim sa CARP. Sa SDO na iyan, ang mga manggagawa ng asukal ay naging stock holders at pang-arawang manggawa na tumatanggap ng P9.50 bawat araw subalit wala namang parte sa benta.

No comments:

Post a Comment