Wednesday, April 13, 2011

Oh my bigas!

Sabi ng Agriculture Secretary mayroon daw sapat na imbak ng bigas para sa bansa at hindi dapat mangamba sa rice crisis. Sabi naman ng NFA maaari daw kailanganin na mag-import tayo ng bigas.

Ano ba talaga mga ser? Niloloko niyo ba kami o pinapaasa lang?

Baka naman hirap lang sa pag-amin si Pnoy dahil binabatikos niya noon ang rice importation ng nakaraang administrasyon. Hindi niya kasi naunawaan noon na nag-import bilang paghahanda sa maaaring maging kakulangan ng supply sa world market.

Napakaimportante ng bigas sa ating mga Pilipino. Mabigat na pasakit sa ating mga ordinaryong Pinoy ang pagmahal ng presyo ng bigas sa gitna ng patuloy na pagbulusok ng presyo ng iba pang mga pangunahing bilihin. Kailangang maging tiyak at maingat ang ating pamahalaan sa pag-monitor ng supply nito, at hindi makakatulong ang mga magkakasalungat na pahayag tungkol dito.

2 comments:

  1. Blog URL: http://www.inthisrealm.blogspot.com
    Author: Santabanana
    Blog Category: Politics or National Issues
    Description: The blog is an online journal of the author's opinion on mostly political matters. It is just a venue for the author to air out his own views on national issues and the like.

    ReplyDelete
  2. (sorry, pls. delete my previous comment)

    Thanks for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur fave blogs! d top 5 highest rated will be displayed n d Hall of Fame ;)

    For site news and updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete